-- Advertisements --

Mahigit 30 mga labor groups ang nagsama-samang nanawagan ng pag-implementa ng family living wage na P1,200.

Mula pa noon ay naging bigo ang Regional Wage Boards na magpatupad ng nararapat na tamang pasahod sa mga manggagawa.

Bilang nalalapit na ang araw ng paggawa ganun din ang halalan ay hinamon ng grupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pakinggan ang hiling ng mga manggagawa na taasan ang kanilang sahod.

Magugunitang inihayag na ng Malacanang na pinapa-review na nila sa mga regional wage board sa buong bansa ang petisyon ng taas sahod.