Hinimok ni Labor leader Sonny Matula ang Mababang kapulungan ng Kongreso na agad magpasa ng counterpart bill para sa inaprubahan kamakailan na panukalang batas ng Senado kaugnay sa P100 taas sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sa ilalim ng naturang panukala, lahat ng empleyado sa pribadong sektor, agricultural o non-agricultural sector, ay kwalipikado sa P100 dagdag sahod.
Ayon pa kay Matula na isa ring abogado at presidente ng Federation of Free Workers (FFW), susubukan ng kanilang grupo na magkaroon ng dayalogo sa mga mambabatas sa Kamara at kay House Speaker Martin Romualdez para mapaspasan ang pagpasa ng mababang kaulungan ng counterpart bill sa legislated wage hike.
Mayroon na aniyang pagkakataon ngayon ang Kamara na taasan ang sahod kasabay ng rekomendasyon nito na pagsamahin ang 2 panukalang wage hike na inihain ng mga miyembro ng Kamara.
Ito ay ang House Bill No. 7871 na nagpapanukala sa P150 daily wage hike at ang House Bill No. 7568 na nagrerekomenda naman para sa across the board daily wage increase na P750