-- Advertisements --
Naghain ng kandidatura sa pagkasenador ang labor leader at lawyer na si Sonny Matula para sa 2025 national ang local elections.
Sa kanyang talumpati matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC), kabilang aniya sa kanyang tututukan ang dagdag na pasahod sa bansa.
Dagdag pa ni Matula, sakaling palarin na makakuha ng pwesto sa Senado, tatrabahuhin niya ang pagbibigay protekta sa mga manggagawang bumubuo ng unyon at winawakasan ang kontraktwalisasyon.
Panawagan nito, hindi dapat kontraktwal ang isang manggagawa sa regular na trabaho.
Magugunitang noong 2019 at 2022 tumakbo si Matula sa pagkasenador ngunit hindi pinalad na manalo.
Si Matula ang national president ng Federation of Free Workers at chairperson ng Nagkaisa Labor Coalition.