Tiwala ng gobyerno ng Pilipinas na magpapatupad ng labor reforms ang mga bansa sa Middle East.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola umaasa ang bansa na kasama ang Saudi Arabia sa mga magpapatupad ng labor reforms.
Kabilang dito ang ginawang pagtanggal na ng Bahrain ng exit visas at flexi-visa at ang pagtanggal na rin gn Qatar sa exit visas at kafala.
Nagpatupad rin ang Saudi Arabia ng labor reform initiative at ang pagtanggal na ng kafala para s mga skilled at semi-skilled workers.
Tiniyak din ng Saudi Arabia na susunod na rin ang mga domestic household service workers.
Magugunitang nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng tuluyang pagtanggal na ng kafala o sponsorship system na naghihigpit sa paggalaw ng mga migrant workers.