Matinding tinutulan ng Labor rights advocates na si Neri Colmenares ang pagtaas ng kontribusyon sa Social Security System (SSS).
Ayon sa dating mambabatas hindi makatarungang pasanin sa mga manggagawang nahihirapan na sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin ang naturang contribution hike.
Pinuna ni Colmenares ang timing ng pagtaas, ani Colminares ang mga mangagawa ay humaharap pa sa mas mataas na singil ng tubig at kuryente, kaya’t maaaring magdulot pa aniya ang contribution hike ng mabigat na pasanin sa kabuhayan ng bawat manggagawa.
Binigyang-diin din ni Colmenares, ang patuloy na isyu ng hindi pa ganap na pag-release ng P1,000 na dagdag-pensyon ng SSS at tinanong kung bakit magpapatupad ng mas mataas na kontribusyon ang SSS kahit hindi pa natutupad ang pangakong nito.
Inakusahan niya ang SSS na inuuna pa ang mga pansariling interes kaysa sa kapakanan ng mga miyembro ng mga ito, na siyang nag bibigay ng pondo sa ahensya.
Hinamon naman ni Colminares ang SSS na patunayan muna ng mga ito na kung epektibo ba silang mangolekta ng kasalukuyang kontribusyon, kaya’t iminungkahi niyang ipagpaliban ang mga bagong rate hanggang sa mapatunayan ng ahensya kung pinabuti ba ng mga ito ang sistema ng kanilang koleksyon.