-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Maaaring may dahilan kaya naisip nilang magsagawa ng mass resignation ngunit hinimok ni Labor Secretary Silvstre Bello III ang grupo ng mga nurses na makipagdayalogo sa DOH para pag-usapan ang hindi naibibigay na special allowance.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Sec. Bello, namahirap kung isagawa ng mga nurses ang mass resignation dahil hindi lang ang DOH ang apektado kundi ang mga maysakit lalo na ang mga pasyente sa COVID-19.
Hiniling ni Bello sa mga nurses na bigyan ng pagkakataon ang DOH na gawin ang dapat nilang gawin.
Ang isyu tungkol sa benepisyo tulad ng hazard pay, at transporation allowance ay mula sa pondo ng DOH at hintayin lang dahil ibibigay din ito sa kanila.