Kinumpirma na ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma.
Sa kanyang confirmation hearing, siniguro ni Laguesma ang suporta at paglalatag ng employment benefits at ibat bang porma ng social protection para sa mga manggagawa sa ‘gig economy.”
Sa isyu naman ng pagbasura sa regional wage board at magtakda ng national minimum wage, inihayag ni Laguesma na hindi kasi pare-parehas ang kakayahan at imprastraktura ng iba’t ibang mga rehiyon .
Sa kabila nito inaaral naman anya ng National Wages and Productivity Commission na itaas ang antas ng labor activity para tumaas ang kita ng mga manggagawa.
Natanong din ang kalihim kaugnay sa isyu ng ilang lokal na pamahalaan na hindi nagbabayad o sumusunod sa minimum wage para s akanilang job order o casual employees.
Sabi ni Laguesma, bagama’t hindi sakop ng DOLE ang mga government employees pero sa kanyang pananaw ay wala dapat exemption sa pagbabayad ng minimum wage kahit pa ang mga LGU.