-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga otoridad ang isang laborer sa isinagawang drug buybust operation sa Purok 2, San Ramon, Aglipay, Quirino.

Ang inaresto ay si Kennedy Ulila,28 anyos, May-asawa, laborer, residente ng nasabing lugar.

Ang mga kasapi ng Aglipay Police Station at P.I.B. Quirino ay nagsagawa ng drug buy bust operation kung saan isa ang nagsilbing poseur buyer.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang kahon ng posporo na naglalaman ni hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at buy bust money.

Si Ulila ay dinala sa Aglipay Police Station at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)