-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang Laborer sa Comon, Aritao, Nueva Vizcaya dahil sa kasong carnapping at nahaharap pa sa panibagong kaso dahil sa nakuhang plastic bag sa kanyang pag-iingat na hinihinalang naglalaman ng dahon ng marijuana.

Ang inaresto ay si Joel Pelerio, 25, at residente ng Bone North, Aritao, Nueva Vizcaya.

Isinagawa ang isang manhunt operations ng mga kasapi ng Aritao Police Station sa pangunguna ng kanilang hepe na si Capt. Florentino Mawirat na nagbunga ng pagkakadakip ng akusado.

Siya ay dati ng nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o Anti Carnapping Law at muling mahaharap sa panibagong kaso dahil sa pagkakuha sa kanyang pag-iingat ng isang transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana.