-- Advertisements --

Patay ang isang lalake matapos pagsasaksakin ng kasamahan sa trabaho sa Brgy. Olandang, Midsayap, Cotabato.

Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si Darang Ugigie Dalundong, 28 anyos, walang asawa, construction worker at residente ng Brgy Tukanakuden, Sultan Sabarongis, Maguindanao habang ang suspek ay nakilalang si Ezekel Olarte, nasa hustong gulang, may asawa, foreman at taga Sitio Broce, Brgy. Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pagdating ng suspek sa lugar ng pinangyarihan ay bigla na lamang nitong pinagsasaksak ang biktima at agad na tumakas patungo sa direksyon ng Datu Piang, Maguindanao matapos gawin ang krimen.

Patay on the spot si Dalundong matapos magtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Hanggang sa ngayon ay pinaghahanap ng kapulisan si Olarte na mahaharap sa kaukulang kaso.