LONDON, England – Nagbubunyi ngayon ang Labour Party matapos ang landslide victory nito sa katatapos lamang na 2024 snap general election sa United Kingdom.
Bunsod nito, ang lider ng partido na si Sir Keir Starmer ang magiging susunod na bagong Prime Minister ng UK.
Nag-concede na din o tinanggap naman ni PM Rishi Sunak ang resulta dakong 4:40 am kung saan inanunsiyo din mismo nito ang pagkapanalo ng Labour Party sa general election at tinawagan din aniya si Keir Starmer para batiin ito.
Itinuturing naman na makasaysayan ang pagkapanalong ito ng Labour Party dahil winaksan nito ang 14 nataong pamamayagpag ng righ-wing government sa ilalim ng Conservative party.
Sa speech ni Starmer, na nagsilbing dating chief prosecutor at human rights lawyer, ipinangako nito na ang kanilang bansa ang kaniyang uunahin at pangalawa ang kanilang partido.
Nangako din ito na gagawa ng mga pagbabago ang kanilang partido at panahon na aniya para gawin ito.