-- Advertisements --
Chief Justice Diosdado Peralta
SC Chief Justice Diosdado M. Peralta

Pinuri nina Senator Panfilo Lacson at Richard Gordon sa pagkakatalaga ni Diosdado Peralta bilang bagong chief justice.

Ayon kay Lacson, na sa naging karanasan na ni Peralta ay nararapat na ito ay maupo sa puwesto.

Kilala niya ang Chief Justice noong ito ay nakatalaga sa Quezon City Regional Trial Court ng ma-convict lahat ng kaniyang mga naarestong Kidnap for Ransom Group.

Umaasa naman si Senator Richard Gordon, na may mas magiging may integredad na ang korte suprema dahil sa pag-upo na ni Peralta.

Ipagdarasal na lamang niya ito na matagumpayan ang kaniyang bagong puwesto.