Walang nakikitang koneksyon si Senator Panfilo Lacson sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) matapos na kanselahin ng US ang visa ni Senator Ronald Dela Rosa.
Sinabi ni Senator Lacson na ang US Visa ay isang uri ng authorization na iginagawad sa isang dayuhan na ito ay maaaring kanselada ng walang kadahilahanan.
Habang ang VFA ay bilateral agreement ng Pilipinas at US na dumaan sa masusi at diplomatikong pag-uusap.
Taliwas naman dito ang pahayag ni Senator Aquilino Koko Pimentel III na bilang chair ng Senate foreign relations committee, na may karapatan ang pangulo na kanselahan ang VFA.
Magugunitang nagbanta ang pangulong Duterte na kanselahin ang VFA kapag hindi naibalik ang visa ng dating PNP chief at ngayoy Senator Dlea Rosa.