Hindi pinaburan ni Sen. Panfilo Lacson ang plano ni Vice President Leni Robredo na maglabas pa ng mga impormasyon na kaniyang nakalap noong bahagi pa ito ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Lacson, hindi maganda ang kaniyang nakikitang scenario dito at posibleng magpalawak pa ng bangayan sa pagitan ng Duterte administration at ng pangalawang pangulo.
Para sa senador, hindi dapat makaapekto sa kabuuang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga ang anumang ilalabas na data ng bise presidente.
Sana rin daw ay ginawa ni Robredo ang anumang pagbubunyag noong nasa loob pa ito ng ICAD, dahil ang anumang pagsasalita nito ngayon ay hindi malayong makulayan ng ibang pagtingin.
“Kung gagawin ganoon lalong lalala, ang wedge lalapad. It’s her call. Kailangan justify niya rin. But sa akin I don’t think it’s still necessary. What for? Dahil binigyan ka ng katungkulan na gagampanan mo, ngayong natanggal ka, isisiwalat mo ang mga natuklasan mo? Depende sa anong isisiwalat niya. If it is to destroy or impede ang anti-illegal drugs campaign, huwag naman sana. Pero kung natuklasan niya para ma-enhance ang fight against illegal drugs, then by all means. Pero kung may nakita siyang pagkakamali that would point to several persons that could be held criminally liable, dapat noong nasa position siya,” wika ni Lacson.