-- Advertisements --
Ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson ang nangyayaring kurapsyon sa pork importation ng Department of Agriculture (DA).
Ayon sa senador na hindi bababa sa P6 bilyon ang makukuhang kickbacks sa proposal ng DA na dagdagan ang volume ng pork products at bawasan ang taripa nito.
Sinabi umano ng kaniyang “insider” na mayroong P5 hanggang P7 kada kilo ang nakokolekta ng ‘tongpats’ ng mga sindikato ng DA mula sa mga imported na karne.
Sa nasabing proposal ng DA na itaas sa 400,000 metric tons mula sa dating 54,000 kilos ay kikita ang mga ito ng P6 bilyon kada taon.
Nanawagan ang senador sa Presidential Anti-Corruption Commision (PACC) na imbestigahan ang nasabing isyu mula sa DA.