-- Advertisements --

MANILA – Naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na maaari namang idaan sa diplomasya ang issue ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Pahayag pa rin ito ng mambabatas matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magbayad ang Amerika kung gusto nitong ituloy ang VFA sa bansa.

“The President may have used strong words to send his message across to the US. But certainly, there is a more civil and statesmanlike manner to ask for compensation from a longtime ally using the usual diplomatic channels and still get the same desired results,” ani Lacson.

Para sa senador, na chairman ng Committee on National Defense, dapat tiyakin ng pamahalaan na magiging tapat pa rin ang Amerika sa pangako nito sakaling ituloy nito ang agreement.

Kung maaalala, una nang binanatan ni Lacson ang hirit ng pangulo at sinabing hindi naman lahat ng Pilipino ay mangingikil.

“Dear Sam, … Just to clarify, please be informed that we are not a nation of extortionists; and more so we are not greedy. Err … not all,” sinabi ni Lacson sa naka-delete nang online post.

Una nang sinabi ng mambabatas na mahalaga at kailangan ng Pilipinas ang VFA lalo na’t patuloy ang panggugulo ng China sa West Philippine Sea.