-- Advertisements --

Humihingi ng paliwanag si Sen. Panfilo Lacson hinggil sa napa-ulat na glitches o aberya sa mga transparency servers at vote counting machines (VCMs) kamakailan.

Sa isang tweet nitong araw, sinabi ni Lacson tila naging traffic controller na ang transparency server nang magka-aberya ito sa mga nakalipas na araw.

“Election 2019: from simultaneous transmission at precinct level to a newborn animal called transparency server a.k.a. traffic controller. Why?” ani Lacson.

Kahapon bumaba ang bilang ng boto sa partial at unofficial results ng PPCRV dahil sa narasanasang glitch.

Noong Lunes ay naantala rin ang release ng partial election results mula sa transparency server ng Comelec.

Subalit, ayon sa poll body, ang transmittal ng mga boto mula sa VCMs ay hindi apektado dahil patuloy pa rin itong nakakatanggap ng data mula sa mga cluster precincts nationwide.

Tiniyak ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang publiko na walang issue sa transmission ng election results mula sa mga VCMs patungong central at transparency servers.