-- Advertisements --
PING LACSON 2
Ping Lacson

May mga malalaking anomalya umano ang nakatakdang ibunyag ni Senator Panfilo Lacson laban kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Sinabi ng senador na mayroon pa itong hinihintay na ibang mga dokumento para sa nasabing anomalya.

May pagkakaugnay ang nasabing anomalya sa pagkakasangkot umano ng kalihim sa Philippine Health Corporation (PhilHealth).

Dagdag pa ni Lacson, mas mabigat ang usapin sa pagrerenta ng PhilHealth sa lupain na pag-aari ng Duque.

Tiniyak naman ng senador na kapag nakumpleto na ang nasabing dokumento ay hindi ito magdadalawang isip na maghain ng kasong plunder laban sa kalihim.

Una nang itinanggi ni Duque ang isyu sa Pangasinan at iginiit na hindi raw ito “conflict of interest” bunsod na hindi naman siya kabahagi na ng family business.