-- Advertisements --

Muling naglabas ng pasaring si Sen. Panfilo Lacson sa usapin ng pagiging kaibigan umano ng China sa ating mga Filipino.

Banat ni Lacson, ito ang kaibigan na lumalabag sa ating mga batas.

Aniya, bumibili ng condominium units ang mga ito nang hindi nagbabayad ng tamang buwis at tila walang pakialam sa mga nasasagasaang legal na real estate brokers.

Nagbubukas din aniya ang mga ito ng negosyo kahit walang sapat na permiso.

Pinakamabigat pa sa alegasyon ng senador ang pagkakasangkot ng mga ito sa smuggling ng ipinagbabawal na gamot.

“Making friends out of enemies? Your friends are here violating our laws – buying condo units by the floors without paying the right taxes while denying Filipino licensed real estate brokers their livelihood, opening businesses without permits and smuggling shabu. It’s on you!,” wika ni Lacson.