-- Advertisements --
Nag-self-quarantine na ngayon si Senator Panfilo Lacson matapos na makasalamuha nito ang anak na unang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa senador na sumailalim na ito sa COVID-19 testing at malalaman ang resulta nito ngayong araw.
Kaniya na ring inabisuhan ang kaniyang mga nakasalamuha na sumailalim na rin sa self-isolation.
Pinayuhan na rin nito ang mga mamamayan na sundin ang basic health protocols at isinusulong ang malawakang mass testing, contact tracing at booster shots.