Binalaan ni Sen. Panfilo Lacson ang kanyang mga kasamahan sa Senado hinggil sa posibleng epekto kapag nilagdaan ng mataas na kapulungan ang enrolled copy ng nakabinbin pang 2019 national budget.
Ito’y kaugnay ng kanyang akusasyon na pinakialaman umano ng Kamara ang binalangkas na pondo sa kabila ng pagkaka-ratify dito noong nakaraang buwan.
Sa isang panayam sinabi ni Lacson na madadawit sa paglabag ng Konstitusyon ang Senado oras na pirmahan ni Senate Pres. Tito Sotto ang nasabing kopya lalo na’t ginalaw umano ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang P25-milyong pondo mula sa inilaang budget para sa DOH.
Nauna ng sinuportahan ni dating Budget secretary at ngayo’y Bangko Sentral Gov. Benjamin Diokno ang pag-kwestyon ni Lacson.
“There is a process. Individual legislators cannot change that. Changes has to be vetted by both House of Congress. That’s the Supreme Court decision,†banat ni Diokno.
“I don’t see any lump-sum items in our budget. I think they are replacing what we put there originally with their own items,†dagdag pa nito.
Pero nanindigan si House Committee on Appropriations chair Rolando Andaya Jr., na walang paglabag sa ginawa ng Kamara.
“Depende sa pangangailangan nila, hindi mo naman pwedeng i-equal lahat, iba iba naman ang priority ng kanya kanyang myembro, iba iba ang lugar, may lugar na walang district hospital, may lugar na walang national hospital, so it would be dependent on the need of the place, bibigyan mo ng amount wala namang paglalagyan,†ani Andaya.