-- Advertisements --
Naniniwala si Senator Panfilo “Ping” Lacson na mayroong sindikato sa likod ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na binilihan ng gobyerno ng ilang bilyon halaga ng mga medical supplies para sa healht workers ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Mayroon itong nakausap na witness na handang magsawalat ng kaniyang nalalaman sa pagbili ng gobyerno ng mga “overpriced” na mga personal protective equipment, face masks at face shields sa pamamagitan ng Budget and Management – Procurement Service (DBM-PS).
Sinabi ng senador na gumagawa sila ng paraan para mapatawan ng anumang kaso ang Pharmally.
Umaasa din ito na mayroon sabwatan ang DBM-PS at ang Department of Health.
Tiwala ito na ang kaniyang nakausap na witness ay maisasawalat ang mga nalalaman nito.