-- Advertisements --

Nanumpa bilang chairman ng Partido para sa Demokratikong Reporma (Reporma) si Senator Panfilo Lacson.

Sinaksihan ng founder at chairman emeritus at dating Defense secretary Renato de Villa ang nasabing panunumpa ng senador.

Kabilang din na tumanggap sa senador ay ssi dating Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang pangulo ng partido at ilang mga orihinal na founder at miyembro nila.

Ang nasabing hakbang aniya ng senador ay bilang paghahanda sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo ng bansa kung saan makakasama nito si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang chairman ng Nationalist People’s Coalition bilang bise presidente nito.