-- Advertisements --

Nilinaw ni Sen. Panfilo Lacson na hindi siya duda sa mga statement na inilalabas ng Malacanang, hinggil sa sari-saring isyu.

Pero may resevation umano siya sa ilang sensetibong pahayag, lalo na kung wala talagang direktang statement si Pangulong Rodrigo Duterte at tanging kay Presidential Spokesman Salvador Panelo lamang niya narinig.

Giit ni Lacson, hindi sila masisisi sa ganitong pag-iisip dahil ilang pagkakataon nang naiba ang pahayag ng chief executive nang bigyan ito ng paliwanag ni Panelo.

Kaya naman, madalas na nag-aabang na muna raw siya ng sariling pahayag mula sa pangulo, kung seryosong bagay ang pinag-uusapan at kailangan ng eksaktong posisyon ng Malacanang.

“Track record ito, kung may pangyayari sa nakaraan at lalabas na hindi pala yan ang sentimyento ng Pangulo, alam nating may problema,” wika ni Lacson.