Personal na naranasan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang ginagawang panghaharras ng mga Chinese Navy ng ito ay nagtungo sa Pag-asa Island.
Sa inilabas na video ng Partido Reporma, habang lulan ng eroplano ang senador sa bahagi ng Pag-asa Island ay binalaan sila ng Chinese Navy sa pamamagitan ng tawag sa radyo.
Galing ang grupo ng senador na lulan ng private Pilatus PC-12 aircraft mula sa Puerto Princesa.
Sinabi naman ni Partido Reporma spokesperson Ashley Acedillo na walang anumang nagyaring hindi maganda at nabawasan lamang ang tensiyon sa pamamagitan ng isang standard na kasagutan.
Itinuturing ni Lacson na isang hindi pangkaraniwan ang pagbabala sa kanila at pagdating nito sa Pag-Asa island ay nakatanggap ito ng mensahe sa kaniyang cellphone na “Welcome To China”.
Kasama ni Lacson na nagtungo sa Pag-Asa island sina dating PNP chief Guillermo Eleazar, dating House Speaker Pantaleon Alvarez at party secretary-general at Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.