-- Advertisements --
PING LACSON 1
Lacson

Pinabulaanan ni Senator Panfilo Lacson na nananawagan ito sa pagbibitiw ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

May kaugnayan ito sa mga isyu ng “ghost” claims sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Nilinaw ng Senador na wala siyang binanggit na magbitiw sa puwesto si Duque at sa halip ay pinayuhan niya lamang ito na dapat binantayang mabuti ng DOH ito bago pa lumala ang isyu sa Philhealth.

Magugunitang inungkat ni Lacson ang isyu noong 2004 kung saan Philhealth chairman si Duque at ginamit ang P500M ng OWWA funds para pambili ng mga Philhealth cards na may larawan ni dating-pangulong Gloria Macapagal Arroyo at may acronym ito na GMA o (Greater Medical Access).

Ikinagalit ni Duque ang ginawa nito ni Lacson dahil ang kaso ay matagal ng nabasura ng Office of the Ombudsman noon pang 2012 at 2013.