-- Advertisements --

Posilbleng maging standard bearer ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Senator Panfilo Lacson sa 2022 election.

Sinabi ni Senate President Vicente Tito, ang acting chairman din ng NPC, ito ay kung magdesisyon si Sen. Lacson na tumakbo sa pagkapangulo.

Dagdag pa nito na ito ang maaaring posibilidad pero ipapaubaya niya ang desisyon kay Sen. Lacson.

Magugunitang inihayag ni Lacson na hindi niya tiyak kung tatakbo pa ito sa pagkapangulo o tuluyan ng magreretiro sa pulitika.