-- Advertisements --

Umalma si Sen. Panfilo Lacson sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na interesado lamang siyang tumakbo bilang susunod na presidente kaya binibigyan ng komentaryo ang kahit anong usapin.

Ayon kay Lacson, hindi siya nagbibigay ng pahayag kung hindi niya batid ang isyu.

Sumasagot lang daw siya sa mga tanong ng media at iba pang humihingi ng kaniyang pananaw.

Kung minsan aniya ay umiiwas pa siya sa interview kapag hindi niya alam ang mga usapin.