Ibinunyag ng organizers ng Paris Olympics 2024 na wala silang ibinayad sa mga nagperform noong Opening ceremony.
Ayon sa sa organizers na lahat ng mga artista at singer noong July 26 opening na kinabibilangan nina Lady Gaga at Celine Dion ay hindi nagpabayad sa kanilang pagtatanghal.
Marami kasi ang naging emosyonal at namangha sa performance ni Celine Dion ng “Hymme a’ L amour” ni Edith Piaf habang ito ay nasa Eiffel Tower.
Ito kasi ang unang pagkakataon na nagtanghal ang singer matapos ang apat na taon noong siya ay na-diagnosed ng Stiff Person Syndrome.
Una kasing kumalat ang balita na tumanggap umano ng tig $2-milyon sina Dion at Lady Gaga kaya nagsalita na ang organizers at pinabulaanan ang balita.
Ito na ang pangalawang pagtanghal ni Dion sa Olympics na ang una ay noong 1996 Atlanta Olympics.