-- Advertisements --

Ipinakilala ng singer na si Lady Gaga ang negosyanteng si Michael Polansky bilang kaniyang fiance.

Sa pagdalo ng singer sa Paris Olympics ay nakasalamuha niya si French Prime Minister Gabriel Attal at ipinakilala si Polansky na kaniyang nobyo ng apat na taon.

Taong 2020 ng isinapormal ng dalawa ang kanilang relasyon ng kapwa sila nanood ng Super Bowl weekend.

Naging pribado ang relasyon ng dalawa kung saan hindi masyado sila nagsasama sa harap ng maraming tao.