Wala nang balak si Lady Gaga na pangalanan sa publiko ang taong nasa likod ng pagdanas niya ng “total psychotic break” matapos mabiktima ng panggagahasa.
Ito’y bagama’t mayroon nang “slow rise” o mabagal na improvement sa kanyang mental health kung saan mayroon na aniya siyang kontrol sa tuwing maiisipang saktan ang sarili.
Ayon kay Lady Gaga o Stefani Germanotta sa tunay na buhay, tinulungan niya ang kanyang sarili sa loob ng two and a half years niya na pagsailalim sa therapy upang maiwasan ang suicidal thoughts.
“Even if I have six brilliant months, all it takes is getting triggered once to feel bad. And when I say feel bad, I mean want to cut, think about dying, wondering if I’m ever gonna do it. I learned all the ways to pull myself out of it,” saad nito sa dokumentaryo na gawa nina Prince Harry at Oprah Winfrey.
Una nang ibinunyag ng 35-year-old American pop superstar na 19-year-old pa lamang siya nang gahasain at mabuntis ng kanyang producer, kung saan hindi siya nakapalag matapos binantaan sa pagbagsak ng kanyang career kung hindi maghuhubad.
“And then I was sick for weeks and weeks after, and I realized that it was the same pain that I felt when the person who raped me dropped me off pregnant on a corner, at my parent’s house, ’cause I was vomiting and sick, ’cause I had been being abused. I was locked away in a studio for months,” dagdag nito.
Nakaabang naman ang kanyang fans kung ano nang nangyari sa kanyang pagbubuntis, ngunit ngayon ay tanging ayaw lang na makaharap uli ang producer rapist dahil hindi siya komportable.
Matatandaang, kilala ang Grammy and Oscar-winning singer sa mga kakaibang porma nito tulad sa tuwing dadalo ng iba’t ibang awards ceremony. (USAToday)