-- Advertisements --

Kinumpirma ni Lady Gaga ang mga bagong kanta niya na kasama ang ibang mga singer gaya nina Ariana Grande, Elton John at ang K-pop group na BlackPink.

https://www.instagram.com/p/B_TB1Q9lvbi/

Kasabay ng anunsiyo nito ang paglabas ng bagong album niya na “Chromatica”.

Sa kaniyang Instagram, inilabas ng singer ang 16 na mga kanta na laman ng bagong album nito.

Ang kantang “Sour Candy” ay kasama niya dito ang BlackPink habang ang kantang “Rain on Me” ay kasama si Ariana at “Sine From Above” naman ang kanta na kasama niya si Elton John.

Noon pa sanang Abril 10 inilabas ang album subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito natuloy.