-- Advertisements --
Napili si Lady Gaga na maging bahagi ng Oscars awards.
Sa imbitasyon ng Academy of Motions Picture Arts and Sciences, nais nilang padamihin ang mga babaeng miyembro ng organization.
Mahigit sa 842 katao na inimbitahan para maging miyembro ng organization ay mga kababaihan.
Ilan sa mga inimbitahan na maging bahagi ay ang sina Claire Foy at Elisabeth Moss.
Kasama rin bilang recruits sina “Crazy Rich Asians” director Jon Chu, “Roma” actress Marina de Tavira at “Black Panther” cast na sina Sterling K. Brown at Letita Wright.
Mas bumaba ngayong taon ang bilang na naimbitihan sa organization kumpara noong nakaraang taon na mayroong 928.