Ibinunyag ni Lady Gaga na dumanas siya ng “total psychotic break” ilang taon matapos na ito ay nabuntis ng lalaking gumahasa sa kaniya.
Isinagawa nito ang pag-amin sa kauna-unahang episode ng docuseries na gawa nina Prince Harry at Oprah Winfrey na “The Me You Can’t See”.
Layon ng docuseries na talakayin ang mga dungis at napapalibot sa mental Health.
Kuwento pa Grammy award-winning singer o si Stefani Germanotta sa tunay na buhay na 19-anyos pa lamang ito at baguhan sa music business.
Inutusan siya ng hindi pinangalanang producer na maghubad at doon na isinagawa ang panggagahasa.
Makalipas aniya ng ilang taon ay na-diagnosed ito ng Post-traumatic stress disorder (PTSD) at ilang beses na dinala sa pagamutan dahil sa chronic pain.
Isinawalat nito ang kaniyang diagnosis noong 2016.
Paliwanag pa ng 35-anyos na singer na kaya hindi na nito pinangalanan ang suspek na umabuso sa kaniya ay dahil ayaw na niya ito ng makaharap muli.