Hindi rin magpapahuli ang organizers ng inagurasyon ni President-elect Joe Biden na kunin ang serbisyo ng mga showbiz personalities sa magaganap na makasaysayang event sa January 20.
Kabilang sa mga magbibigay aliw sa mga performances ay sina Lady gaga at Jennifer Lopez.
Sinasabing si Lady Gaga ang aawit ng national anthem habang si JLo ang pangunhing tampok sa musical performance.
Matapos ang panunumpa ni Biden sa 59th inauguration, susundan ito ng mahigit isang oras na TV special kung saan ang magiging host ay multi-awarded actor na si Tom Hanks.
Dito naman babandera ang mga legends na si Jon Bon Jovi, Demi Lovato and Justin Timberlake at iba pang mga Hollywood stars.
Ayon sa inaugural committee kakaibang inagurasyon ang masasaksihan ng mundo lalo na at panahon ng pandemya at ang tensyonadong sitwasyon dala ng umano’y banta ng mga armed supporters ni outgoing President Donald Trump.