-- Advertisements --
showbiz

Nakahanda na ang singer na si Lady Gaga para sa gagawin niyang online benefit concert para sa paglaban sa coronavirus disease.

Gaganapin ito ngayong Sabado ng gabi kung saan pangungunahan ito ng World Health Organization na tinawag itong “One World Together At Home”.

Layon ng concert ay para makalikom ng pondo para sa pambili ng mga personal protective equipment ng mga healthcare workers sa buong mundo.

Ilan sa mga makakasama niyang magtanghal ay sina Taylor Swift, Elton John, Celine Dion, The Rolling Stones at maraming iba pa.