-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Lady Gaga na magkakaroon ng starstudded na online concert bilang suporta sa mga healthcare workers na rumeresponde sa global coronvirus disease.

Gaganapin ang “One World: Together at Home” sa darating na Abril 18 kung saan magiging host dito sina Jimmy Kimmel, Jimmy Fallon at Stephen Colbert.

Inanunsiyo ng pop singer ang nasabing concert matapos na imbitahan ito sa pagpupulong ng World Health Organization.

Kabilang sa ilang mga magtatanghal ay sina Paul McCartney, Lizzo, Billie Eillish, Alanis Morissette, Andrea Bocelli, Chris Martin, David Beckham, Elton John, Keith Urban, John Legend, Stevie Wonder at iba pa.

Nakalikom na ng $35 million ang organizers at ang pera ay mabebenipisyuhan ang COVID-19 Solidarity Response Fund ng WHO.