Nag-alok ng $500,000 na pabuya si Lady Gaga para maibalik ang dalawang ninakaw na French Bulldog nito.
Ninakaw ang nasabing mga aso matapos barilin ang taga-alaga ng singer habang ito ay ipinapasyal sa labas ng Hollywood pasado alas-10 ng gabi.
May tatlong aso ang hawak ng dog walker ni Lady Gaga kung saan dalawa ang kinuha ng mga suspek habang ang isa ay nakawala at sa kalaunan ay narekober ito.
Nasa Rome kasi si Gaga para sa ginagawa nitong pelikula.
Dahil sa pag-alala at pagkabahala ay nag-alok ang singer ng kalahating milyong dolyar para mahanap ang aso nitong sina Gustav at Koji.
Patuloy na nagpapagaling ang binaril na dog walker haabang patuloy n apinaghahanap ang mga suspek.
Isang mamahaling uri ng aso ang French Bulldog at maaaring hindi rin alam ng mga suspek na pag-aari ng singer ang mga dinukot na aso.