-- Advertisements --
Lady Gaga 2
Lady Gaga / IG post

Nahulog sa stage habang kumankanta si Lady Gaga sa kaniyang concert sa Las Vegas.

Nangyari ang insidente ng isang audience ang kaniyang tinawag sa stage para isayaw subalit ng aktong tatalon na sa harap ng lalaki ang singer ay bigla silang nahulog sa stage.

Mabilis naman na inalalayan ito ng mga security guards at nakabalik na rin ang singer sa stage.

Tiniyak din ng singer na wala itong tinamong anumang mabigat na pinsala sa katawan.

Pagkabalik sa stage ay pinasalamatan niya ang lalaking audience at sinabing para silang tinadhana dahil sa parehas silang nahulog sa stage.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nahulog sa stage ang singer dahil noong 2013 ay nabalian ng beywang sa kaniyang “Born This Way” world Tour.