Popondohan ni Lady Gaga ang pagpapatayo ng 160 classroom projects mula sa tatlong lugar na pinangyarihan ng mga insidente ng pamamaril.
Sa kaniyang social media account, inanunsyo ng singer na idadaan nito ang pagpapagawa ng mga silid aralan sa Born This Way Foundation at kaagapay naman ang DonorsChoose.org.
Sa Dayton ay may itatayong 14 classrooms; 125 sa El Paso at 23 naman sa Gilroy.
Layunin daw nitong magbigay ng pag-asa sa mga residente ng nasabing mga lugar, lalo na sa mga kabataan, makaraang makapagtala ng malagim na pangyayari.
Nagpaabot din ito ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima ng mass shooting.
“My heart goes out to those who were taken from us too soon and to their families, loved ones and communities who are left to grieve… Everyone has the right to laws that make them feel safe in their communities,” wika ni Lady Gaga.