-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang lady guard matapos itong saksakin ng kanyang ka-live in partner kung saan matapos ang krimen ay ginilitan naman ng suspek ang kanyang sarili.

Nakilala ang biktima na si Elvie Villanel, 38, lady guard ng Assumption College of Davao, matapos pagsaksakin ng kanyang live in na welder na nakilalang si Romeo Nepomuceno, 41, sa kanilang nirerentahan na bahay sa Dumanlas Buhangin sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay Buhangin police chief Major Bernie Suaga, alas-11:00 ng gabi ng mag-away ang mag-live in partner dahil umano sa selos.

Dinala pa sa Southern Philippines Medical Center ang suspek na nagpakamatay din matapos ang nagawang krimen ngunit nalagutan ito ng kanyang buhay.

Narekober sa crime scene ang isang kitchen knife na ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Nabatid na bago ang ginawang krimen, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang biktima kung saan bago namatay ang suspek ay inamin pa nito ang nagawang krimen sa kanyang ka-live in.