-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala si OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa kalagayan ng overseas Filipino workers na nasa Taiwan matapos tumama ang magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga.
Nanawagan si Magsino sa Manila Economic and Cultural Office o MECO na tiyaking mayroong temporary shelter at basic needs ang OFWs na naapektuhan ng lindol.
Inihayag ni Magsino dapat magkaroon ng mahigpit na koordinasyon sa Taiwan authorities para sa posibleng rescue, relief at evacuation operations.
Siniguro naman ng Kongresista na nakahanda ang OFW Party-list na magkaloob ng tulong sa mga Pilipino sa Taiwan pati na sa mga kaanak na nasa Pilipinas.