Nagkakaroon ng bahagyang improvements ang kalusugan ni Pope Francis sa pananatili nito sa Gemelli Hospital.
Ayon sa Vatican, na nakakausap nila ang Santo Papa kung saan ito ay nakikipagbiruan pa sa kanila.
Patuloy ang pasasalamat din ng 88-anyos na Argentinian Pope sa mga nagpaparating mabilis na paggaling nito.
Sinimulan na rin ng Vatican ang pagdarasal ng Rosaryo tuwing alas-9 ng gabi.
Ayon kay Cardinal Pietro Parolin ang Vatican Secretary of State,na nitong gabi ng Lunes ay magsisimula na ang pagdarasal ng rosaryo tuwing alas – 9 ng gabi para sa mabilis na paggaling ng Santo Papa.
Pangungunahan ito ng lahat ng mga Cardinals na naninirahan sa Roma at mga pari sa Diocese ng Roma.
Magugunitang hindi rin tumitigil ang mga mananampalataya na magbigay ng pagdarasal para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis.