-- Advertisements --
Ikinabahala ng Doctors Without Borders (MSF) ang kakulangan ng tubig at hygiene kits sa Palestine.
Ayon sa grupo na dahil sa patuloy na pag-atake ng Israel ay nasa 90 percent na ng populasyon doon ang napipilitang lumikas.
Gumagawa na rin ng paraan ang kanilang grupo para mabigyan ng inuming tubig at emergency sanitation units sa mga residente doon.
Magugunitang nanawagan ang World Health Organizations at United Nations sa Israel na tigilan na ang nasabing pag-atake.