-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Quezon City Traffic and Transport Management Department (QC-TTMD) sa lagay ng trapiko sa labas at paligid ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sa naturang ospital kasi ay kasalukuyang naka confine si Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.

Sa isang pahayag ay sinabi ni QC-TTMD Chief Dexter Cardenas, naka istasyon ang kanilang mga tauhan sa Gate 1 ng North Avenue .

Dito kasi ay karaniwang nagtitipon ang mga taga suporta ni Vice President Sara Duterte.

Siniguro ng opisyal na nakahanda silang magdagdag ng tauhan sakaling magkaroon ng kilos protesta sa lugar at magdulot ng kaguluhan.

Kung maaalala, nagsagawa ng vigil ang mga supporters ng bise sa labas ng ospital bagamat wala naman itong malaking epekto sa lagay ng trapiko sa lugar.