-- Advertisements --

Nananatiling normal ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng North Luzon Expressway ngayong araw.

Batay sa inilabas na abiso ng pamunuan ng NLEX-SCTEX, nanatiling light traffic ang umiiral sa Balintawak Toll Plaza, Bocaue Toll Plaza at San Fernando Northbound at Southbound na bahagi nito.

Maluwag at maikli naman ng pila ng mga sasakyan sa Mindanao Toll Plaza.

Normal din ang daloy ng trapiko sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX kabilang ang toll plazas at maging ang interchanges

Kung maaalala, naglabas na nag abiso ang NLEX sa posibilidad ng pagbigay ng daloy ng trapiko sa naturang expressway pagsapit ng alas 10 ng umaga ng March 27 hanggang alas 2 ng hapon ng March 28.

Makararanas rin ang mga motorista ng mataas na volume ng trapiko sa manila-bound motorists na magmumula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi ng March 30 at mula alas-2 ng hapon ng March 31 hanggang alas-8 ng umaga ng April 1 ng kasalukuyang taon.