-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ngayon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mga ulat na natanggap nito ilan umano sa mga pharmaceutical companies na handang magtayo ng vaccine manufacturing facilities sa bansa ang nakaranas ng extortion.

Napag-alaman umano ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce Industry na may tatlong pharmaceutical firms ang umatras mula sa pagtatayo ng vaccine manufacturing facilities sa Pilipinas matapos silang hingian ng “lagay.”

Mas pinili raw ng mga ito na lumipat na lang sa Thailand at Vietnam dahil sa naturang korapsyon.

Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, kaagad na gagawa ng paraan ang ahensya para malaman kung sino ang utak sa likod nang panghihingi umano ng lagay sa mga pharmaceutical firms na ito,

Sa ngayon ay ARTA ang nangunguna para sa pagkakaroon ng green lane sa mga nagbabalak na maging local vaccine manufacturer.

Nakatakda aniyang maglabas ang ahensya ng Memorandum Circular katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (FDA), Department of Science and Technology (DOST) at National Task Force on COVID-19.

Ang plano raw ay magkaroon ng one stop shop at matapos sa loob ng isa hanggang dalawang linggo ang lahat ng aplikasyon mula sa mga local government units (LGUs) at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sinabi pa ni Belgica na dalawang kumpanya ang halos handa na para sa “fill and finish” type ng pasilidad.

Tinataya ng ARTA na aabot lang ng 10 buwan ang hihintayin upang magkaroon na ng sariling covid manufacturiing plant ang bansa. T