-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Maagang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) ang dalawang incumbent congressmen mula sa una’t ikalawang distrito ng Albay.

Nasa 15 minuto pa lamang bago ang pagbubukas ng tanggapan ng Provincial Elections Supervisor, nasa filing venue na si Abner Bringino, district coordinator na inawtorisa ni Cong. Edcel Lagman para magsumite ng reelection bid nito.

Samantala personal na isinumite ni incumbent 2nd District Rep. Joey Salceda ang kaniyang CoC.

Maalalang walang nakatunggali sa posisyon ang kongresista sa pagtakbo nito sa unang termino bilang mambabatas.

Ayon pa kay Salceda, renewal aniya ito ng kasunduan sa taumbayan lalo na sa isyu sa kahirapan at pagpapalawig ng mga oportunidad sa pagsulong ng ekonomiya.

Hinihintay pa sa ngayon ang makakatapat ng mga ito sa mga naturang posisyon.