-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Pormal ng nanumpa bilang gobernador ng Albay si Vice Governor Grex Lagman bilang kahalili ng nadiskwalipang si Noel Rosal.

Ngayong araw ng magtungo si Lagman at ang kanyang mga taga-suporta sa tanggapan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa Legazpi City kung saan isinagawa ang oath taking.

Kasabay na rin nitong nanumpa si Albay Board Member Glenda Ong Bongao na hahalili naman sa naiwang pwesto ni Lagman at uupo bilang bagong Vice Governor.

Sa mensahe ni Lagman, binigyan diin nito na wala siyang kinalaman sa kasong kinaharap ng dating gobernador at gagampanan lamang ang kanyang tungkulin bilang bagong ama ng lalawigan.

Panawagan naman nito sa mga Albayano na sundin na lang ang kautosan ng korte upang magkaroon na ng katahimikan sa Albay.

Maalalang nadiskwalipika si Rosal dahil sa paglabag sa election spending ban matapos na mapatunayang namigay pa rin ito ng cash assistance sa mga senior citizens at tricycle drivers kahit pa panahon na ng eleksyon.