-- Advertisements --
Lagpas na sa kalahati ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil mula sa lumubog na MT Terranova ang natanggal ayon sa Philippine Coast Guard.
Ayon sa Harbor Star, ang kinontratang salvor ng PH na nasa mahigit 806,000 litro na ang nakolektang langis mula sa motor tanker mula Agosto 19 hanggang 28.
Ito ang unang pgkakataon naman na naabot ng PCG ang kanilang target na 200,000 litro ng langis na ma-extract sa loob ng isang araw.
Samantala, wala namang naobserbahang tagas ng langis sa isinagawang underwater survey.
Gumamit din ang barko ng PCG na BRP Sindangan ng water cannon para mabawasan ang oil sheen sa ground zero.